Wednesday, July 7, 2010

UTAK TALANGKA??


Crab mentality, sometimes referred to as crabs in the bucket, describes a way of thinking best described by the phrase "if I can't have it, neither should you." The metaphor refers to a pot of crabs. Singly, the crabs could easily escape from the pot, but instead, they grab at each other in a useless "king of the hill" competition which prevents any from escaping and ensures their collective demise. The analogy in human behavior is that of a group that will attempt to "pull down" (negate or diminish the importance of) any member who achieves success beyond the others, out of jealousy or competitive feelings.

This term is broadly associated with short-sighted, non-constructive thinking rather than a unified, long-term, constructive mentality. It is also often used colloquially in reference to individuals or communities attempting to "escape" a so-called "underprivileged life", but kept from doing so by others attempting to ride upon their coat-tails or those who simply resent their success
...........................................................................ano daw?

sa aking opinion ang "utak talangka" ay isang kaugalian na mahirap tanggalin (kung madaling tanggalin yan, e di sana wala ng kinukutya) sa simple salita..........PAG MAY UMAANGAT, HIHILAHIN PABABA.



S a aking pag hahanap ng mga salita na gagamitin sa aking pag blog, nakatawag ng pansin ang isang komento tungkolsa pagiging crab mentality ng mga pinoy...natawa talaga ako at napa isip.... BASTA..KAYO NLANG ANG MAG BASA

Bago ko ito sagutin ay nais kong ipabatid sa inyo na ang "crab mentality" at “utak talangka” ay magkaiba. Ang pagiging "utak talangka" sa akin ay isang mabuting kaugaliang Pilipino.

Taliwas sa pananaw ng iba na ang nakikita sa talangka ay naghihilahan pababa, ang aking nakikita ay mga talangkang nagsusumikap na makarating sa labi ng kaldero or timba na kanilang kinasisidlan at pahintulutan ang iba pang kumapit sa kanila upang makabuo ng pumapaitaas na hanay na siyang maglilingkod na “hagdanan” na maaaring magamit ng iba upang makarating sa itaas at tuluyan nang makatakas sa timba.

Sa tingin ng iba ay naghihilahan pababa ang mga talangka. Kung lilimiin nang maigi, sa pananaw na ito ay walang makakaahon ni isa man sa mga talangka ang makakaahon mula sa kanilang kinasasadlakang kaldero o timba. (Maaaring sasabihin ng iba na mayroon ding mangilan-ngilan na magtatagumpay sa layuning makatakas.) Kung iuugnay dito ang kaugaliang Pilipino ay ito ang paliwanag ng marami kung bakit kakaunting mga Pilipino ang nakakarating sa rurok sa laranangan ng daigdig.

Subalit masusi nating suriin ang ganitong pananaw. Kung ito ay totoo at tayo ay lubusang naniniwala dito, bakit tinatakpan natin ang kaldero o timbang pinaglagyan natin ng talangkang buhay bago pa ito lutuin? Kung tutuusin ay hindi na ito kailangan kasi naghihilahan naman sila pababa kaya nga’t wala tayong dapat alalahaning sila’y makakaalpas pa sa kanilang lalagyan.

Sa puntong ito sana’y nabatid na natin na ang ating ikinikilos (ang pagtakip sa lalagyan) ay salungat sa ating pinanghahawakan na walang makakawala dahil hinihila nang pabalik sa ibaba ng mga talangkang nasa ibaba ang mga talangkang puspusang nagsikap na makarating sa bingid ng “kalayaan”.

Marahil nabuo sa atin ang pananaw na ito sapagkat ang nakikita natin ay ang kapit-kapit na talangka at siya nating pinahuluganang tanikalang pumipigil sa nangugunang talangka na makaahon palbas ng sisidlan. Hindi kaya may iba tayong dapat na maging pananaw na may aayon sa ating pagkilos (paglagay ng takip sa lalagyan).

Kung pag-iisipang mabuti, maliwanag na hindi narating ng nangungunang talangka ang labi ng lalagyan ng mag-isa lamang. Kung mamatyagang mabuti ay batid nating nagkukumpol ang mga talangka upang makabuo ng patuloy na pumapaitaas na tumpok na nakasandal sa gilid ng loob ng lalagyan (yan ay kung may sapat na bilang ng talangka upang maisakatuparan ito) hanggang may ilang nakakapit na sa labi nito. Makikita rin na nangangalaglag ang mga nakakapit na ito sa labi pabalik sa ibaba. Ito na nga malamang ang dahilan kung bakit itinuturing ang ganitong pagkilos na patunay ng hilahan pababa.

Ngunit tama ba ang ganitong pananaw? Nasubukan na ba nating iwan nang walang takip ang lalagyan, o kung takpan man ay gumamit ng magaan na takip (hal. plastik na plato) ng mga isang oras o higit pa? Kung ito ay naranasan na ninyo ay sasang-ayon kayo na maliban sa sampu o pababang bilang ng talangka ang matitira sa loob ng lalagyan; iyan ay kung may sapat silang dami upang makabuo ng “hagdan” na aabot sa labi. Lamang pa kaysa sa hindi na walang matitira sa laglagyan; lahat sila ay makakaalpas.

Sa puntong ito nais kong ibahagi sa mambabasa ang aking pananaw na hindi naghihilahan pababa ang mga talangka kundi nagtutulungan upang makarating ang pinakakarapat-dapat sa itaas, at ito naman ay handang makatulong sa kanyang kapwa talangka sa ibaba upang sila'y tuluyang ding makaahon palabas ng lalagyan.

Sa ganang ito ay tahasang ipinagmamalaki ko ang kaugaliang “utak talangka” ng mga Pinoy. Ang pagiging “utak talangka” ay pagiging maalalahanin sa kapakanan ng kapwa at matulungin; hindi ito ang mapaminsalang kalakaran ng maling pagpapatukoy dito. Isang halimbawa na rito ang bayanihan.

Kung mayroon mang nakarating na sa tagumpay at tumalikod sa kanyang kapwa at pinagmulan, masasabing siya ay isang walang utang na loob. Subalit hindi siya dapat kapootan; bagkus siya ay dapat kaawaan. Batid kong sa sandaling siya ay malubak sa kanyang kapalaran ay maalala niya ring magbalik-tanaw sa mga kapwa niyang nakatulong sa kanya.

Ating alalahanin ang kasabihang “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay …”

Sa puntong ito ang aking tugon sa tanong ay:
Ang “crab mentality” ay hindi likas na kaugaliang Pinoy. May mga Pinoy na pinamahayan na ng “crab mentality”. Ito ay iyong mga nahawahan na ng makasariling pananaw ng Kanluran. Ang tunay na Pinoy ay “utak talangka”. Tinatalikdan nito ang “crab mentality”.

Mabuhay ang Pinoy!!! Mabuhay ang utak talangka!!!

----
daoudcohen



ang haba ng nasabi nia

No comments:

Post a Comment